announcement

Siya si Jaycee Emmanuel. Hindi ko siguradong pangalan. Pinanganak nuong January sa hindi ko matandaan petsa ng kasalukuyang taon.  Almost eight months na ang batang ito. Pero sa turing nyo? Muka bang ganun pa sya kabata? Kita nyo naman ganyan pa kaliit computer keyboard na kaagad and hawak. Ano kaya magiging future nya? Doctor? Engineer? Engineer? Doctor? o Parlorista? Ho may Gad! hindeeeeeee!!! Eh di gumuho lahat ng pangarap ng INA nya (yung may hawak sa kanya sa pektyur) na shempre camera shy at malamang eh nasa larawang ito na hindi kita ang ulo. Tama ba BATLA??!!..

Kanina ko lang nabasa yung announcement sa bulletin, bibinyagan na siya sa katapusan. ‘Nak ng tinapa! Madadagdagan na ulit ang inaanak ko at madadagdagan na naman ang bilang ng mga bata sa mundo na may walang kwentang ninang. (kausap mo ba ako?!..) at ‘nak ng tuyo daing at dilis hindi man lang ata ako naisipang i-text ng nanay netoh ah! hmmm .. teka! nasabi na pala saken nung naka-chat ko si BESTFRIEND BATLA. Sana makarating ako dito. Tagal na rin kaming di nagkikita eh, tiyak maraming kwento toh. At shempre im looking forward to meet Batla’s “BABY UNGGOY” dun sa kanila gaganapin ang laklakan e-este inuman e-este salu salo after ng binyag. Sana andun din yung isa pa naming friend na batla din. May atraso pa ako dun, di lang naman ako naka-attend sa binyag ng baby nya nung May. Kita mo na walang kwentang ninang talaga. Ano kayang magandang regalo? Palagay mo? hmmmm…

Leave a Reply