Gusto kong maging $$$(NURSE)$$$
Gusto kong bumalik sa pag-aaral. Ang pangarap na makatapos ng pag-aaral ang talagang gusto kong matupad bago man lang ako pumanaw at kainin ng lupa. Yun bang maipagmalaki ko sa sarili ko na degree holder ako. Hindi ko natapos yung course ko nuon sa PNU (Philippine Normal University) na education. Namatay kasi ang tatay sa kasamaang palad kaya napilitan akong tumigil. Second year lang ang inabot ko. Mura lang ang tuition fee dun, wala pang isang libo kaya kung iisipin ko ngaun nakakapanghinayang na hindi ko natapos ang kurso ko. Sa totoo lang ayaw kong maging teacher/educator/guro, kaya lang iyon ang gusto ng tatay kaya yun ang kinuha ko. Saka isa pa mura nga ang tuition fee sa nasabing unibersidad kaya yun ang pinasukan ko. Mula ng magkatrabaho pinangarap ko na talaga ang makabalik sa pag-aaral at tustusan ang sarili ko. Medyo mahirap nga lang sumabay kasi may mga ibang bagay na dapat unahin.
Paborito kong subject yung Psychology nung college. Wala lang nasabi ko lang. Kaya last year nung akala ko makakapagenroll ako yun ang gusto kong course. At wala lang din basta gusto ko yung course na yun. Tuwing tatanungin ako kung bakit yun ang gusto kong course ang sagot ko lang eh “kasi psychotic ako” hehe. Excuse me po sa mga psych grads student and majors jan. Personal na rason ko yun. Howkei? Mabalik tayo, nagbago na naman ang ihip ng hangin. Last week kasi napanuod ko yung CAREGIVER (OO na! jologs na kung jologs) Sa london sila caregivers at kumikita sila ng “Pounds” Wowza! Isipin mo na lang ang palitan nun sa peso. Malaki talaga. Ooopsies! Howkei, isipin mo ng mukhang pera ako pero isipin mo na rin ang mahal ng bilihin ngayon, mahal na rin ang gas (kahit wala akong kotse) at mahirap na talaga ang mabuhay lalo na kung salat ka sa salapi.
Ang outcome, GUSTO KONG MAGING NURSE. Una, marami na ang nakapagsabi sa akin na hindi siya ganun kamahal, mas mahal pa daw ang HRM. (na course ngaun ng kapatid ko kaya nga namumulubi ako eh) Pangalawa, maraming job opportunities na kahit saaang lupalop ka mapadpad eh tiyak na may trabaho ka at kikita kang talaga. Pangatlo, gusto kong umalis ng bansa para naman matustusan ko ang pag-aaral ng iba ko pang kapatid na sa tantiya ko six years from now eh dapat makagradweyt na silang tatlo ng college. (makikilala nyo sila next time) Trenta anyos na ako by then at yun pa lang yata ang pagkakataon ko para makapag-asawa. Kung may magkakamali pa. Wooshoo! At pang-apat, at huling dahilan kung bakit gusto kong maging nurse, eh mas malaki ang kikitain ko abroad at palagay ko naman eh kaya ko yun. haha. Dangan nga lang ang sabi ng aking KAIBIGAN na lilipad na papuntang Canada next year kung gusto ko daw mag-abroad ipatanggal ko daw yung tattoo ko sa likod. Tsk! Tsk! Patay! Masakit kaya yun!
Palagay nyo?
Tama kaya yung gagawin ko?
August 26, 2008 at 3:09 pm
Dreams can drive us to great heights. Best of luck.
Nga pala, if you want makapagabroad kaagad, wag ka enrol sa UP Manila… Kasi irerequire na ata nila ang 3 years ka muna magserve dito sa pinas. Which is really good, except yung compensation.