Archive for April, 2009

samu’t saring ikot ng buhay ko [??!!..]

Posted in Uncategorized on April 19, 2009 by enjhae

Sa tuwing malulungkot ako, iisa lang ang ginagawa ko, magkulong sa loob ng madilim na kwarto. Kasabay nito ang ilang scented candles na nakasindi, at isang malungkot or solemn na kanta. Saka ako iiyak. Hindi ko ito ginagawa para lang mag emote. Paraan ko ito upang makapag release ng stress. Mapaluwag ang loob ko at makahinga ako ng maayos. Pagkatapos nun, okay na ako.

Pero mukhang iba na yata ngayon. Wala na siguro akong mailuluha pa. Kanina lang napaisip ako. Sa dami ng luhang iniluha ko. Sa dami ng dahilan ng mga ito. Mukhang ngayon ko lang naisip na marunong din naman pala akong mapagod. Kung stress at stress lang naman ang pag-uusapan mukhang immune na immune na ako sa kakaiyak. May sumagi sa isip ko, muntik akong mapaiyak, naisip ko sa dami naman ng pagkakataon biglang bigla na lang na ganun ang naramdaman ko. Kasunod nun naisip ko. Kailangan ko ng isang mahigpit na yakap.

Maya maya isang tunog ang narinig ko. May text ako. Kakatuwa, ni hindi naman kasi ako nagloload dahil wala naman akong tinitext. Ang tanging konsolasyon na lamang na nakukuha ko sa telepono kong iyon ay ang mga automatic texts araw araw mula sa ilang kaibigang hindi nakakalimot kahit lagi naman akong walang load. At mangilan ngilang tawag mula sa mga nakakaalala. Bukod pa dun wala na. Kung hindi nga lang siguro necessity para sa communication ang cellphone ngayon baka matagal ko ng itinago sa baul ang 4 year old kong “celepono” na nabili ko pa nuon ng brand new at latest model sa presyong ikinaubos ng ipon ko. HAHAHAHA.

HAHAHAHAHA.  Ito nga ba talaga ang gustong lamanin ng utak ko o taliwas naman dito ang siyang nangyayari sa loob ng puso ko. Ewan. Hindi ko pa rin alam ang isasagot ko diyan. Kamakailan lang biglang bigla nagbago ang buhay ko. Biglang bigla sa isang iglap lang sa paraang ni hindi ko inaasahan at ni hindi pumasok sa kukote ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nakikipaglaban sa tama at mali. Nakita ko na lamang ang sariling lumuluha na naman (ng pang-isang milyong beses) sa isang bagay na hindi mag sink in sa akin.

Hindi ko malaman kung paano akong aagapay sa buhay ng ganito gayong alam ko naman sa sarili ko na ako mismo hindi ko pa malaman kung paano kong matatag na itatayo ang sarili.  Gumuho ang mga pangarap ko “right in front of my eyes”!.  Subali’t paano ko maatim na pigilin ang pagsibol ng isang kaluluwang sadyang itinadhanang italaga sa akin ang paglilingap. Minsan pa, isang mabigat na desisyon ang aking pinagpasyahan. Pipilitin kong umagapay sa anumang paraang alam ko at kakayanin ko.