Maaga akong nagising ngayon, mga 6:30 am. Nakapagalmusal din ng maaga at hanggang sa mga oras na ito ganap ng ika sampu ng umaga eh hindi pa rin ako bumabalik sa pagtulog. Naisip ko baka naman manasin ako nito sa kaka-kain tulog. Nakaoline din ako ngayon sa site ng ASMSI. Naisip kong magkalkal ng mga recent posts ko sa “dear diary” section. Mabilis kasi ang BRO ko ngayon. Wala lang nakakatuwa lang balikan. Pati mga sagot ng mga ilang mahilig mangulit at sadya lang talagang makulit.
Heto ang ilan sa aking mga recent posts courtesy of ASMSI (www.asmsi.org.ph)
Mon Mar 24, 2008 1:26 pm
Namimiss ko na yung mga taong dating nagpapasaya at nagpapagaan ng pag-ikot ng buhay ko. Mga nilalang na walang sawa sa pagtawa ng pagtawa. Ilang months na akong puro trabaho… trabaho.. trabaho… Hindi ko naman pwedeng ipagsawalang bahala ang mga obligasyon ko sa buhay pero sana man lang may kaunting appreciation mula sa mga taong pinagbubuhusan ko ng lahat ng pagsisikap na ito. Ang nakakalungkot lang patuloy ang pagtaas ng demand nila, hindi man lang ata nila nakikitang nahihirapan ako, kaso… ang tanong, naiisip man lang kaya nila yun?Fri
Apr 11, 2008 2:49 pm
Dear,
if i were given this chance to be a guy for a day, i’d probably…
…participate in a drag race
…kick my ex off his butt
…befriend my crush and fish information about me
…ask the prettiest of my girl friends out on a date
…wear a basketball jersey
…walk topless under the rain
…go home and tell Mom I’m his youngest SON
…dress like justin timberlake or Ne-Yo
…kiss one of my gay friends
…make out with the hottest chick
…make her fall so deeply in love
…and lastly,
…break her fall.

Tue Jun 17, 2008 2:54 pm
Dear,
Nilalamon ako ng lungkot, nagpalamon naman ako!, huhu…
Ang saklap naman! Down and sistema ko ngayon.
Kelan ko kaya maayos ito?
Tsk! Tsk!
Tue Jul 22, 2008 12:56 pm
Dearest;
Aalis na rin pala ang Pareng Mhike ko. Ayun at susunod pala sa aking Kaibigang si Kakoii. SAna maging okay sila duon. Maalala sana nilang magpasalubong ng noodles na masarap mula sa mga Japon. Siya nga pala. Malapit na ang haberday ko. Sana maging okay naman yun. Tumatanggap nga pla ako ng mga gifts, CASH or IN KIND mula next week hanggang August 17th
. Hintay ko na lang kung may makakaalala. 
(Paalala sa AUGUST 1 and bertday ko!?.. nyak!… nyak!…)
Hirap pla ng tumatanda na nagiging demanding. 
Yun lang!?..
Fri Aug 08, 2008 8:17 am
Dearest;
Triple 8 ang araw na ito. Lucky number. Sana lucky day din para sa akin. Marami akong dapat na paghandaan this month at sa mga susunod pa. Kailan kaya ako magiging handa para sa lahat? Mahirap ng mangapa. Delikado. Sana ayos lang ang lahat. Wag sanang mauwi sa wala ang lahat ng mga pagsisikap at paghihirap ko. May tiwala naman ako sa kanila. Saka sinasamahan ko palagi ng dasal. Lakasan lang ng fighting spirit to! OK na!

Fri Nov 14, 2008 1:58 pm
Dearest;
Kung may magagawa lang ako para hindi ko siya masaktan gagawin ko. Pero kahit ano pa man ang gawin ko. Masasaktan pa rin sya. Ako, hindi ko man maamin sa sarili ko na mas nasasaktan ako alam ko na ilang buhos ng luha na naman ang papatak mula sa mga mata ko. Alam kong hindi pwede kaya hindi na namin ito dapat pang paigtingin dahil kung hindi pareho lang kaming masasaktan ng husto.

Tue Nov 25, 2008 9:48 am
Dearest:
“The heart hides what you can’t say, but the eyes say what the heart tries to hide. It would hurt less to hear a sounding goodbye than hear a stay and see the eyes lie.”
Thu May 14, 2009 8:13 pm
Dearest;
Sa wakas nakabalik na rin ako! Hindi man siguro madalas pero babalik balik pa rin. Birthday ng ANGEL ko kahapon. 20 plus na siya! Hehe… Magkasama naman kami kahapon sa mall bumili ng ilang bagay at gifts na rin. Hindi na kami naghanda kasi nagouting naman kami nung monday kasama buong family niya at mga pamangkin, ako nga lang ang sabit dun eh! Harr…harr.. sabi pa nga ni Papa Bear (in-law ko) malaki na raw pala ang pamilya niya. Naalala ko tuloy ang aking TATAY may isang pagkakataon din nuong buhay pa siya na sinabi niya yun parehong salita na yun.
Siyanga pala medyo lumalaki na daw ako ngayon. Alam mo na buntets! wahehe…five months on the way na ako. Sa June 02 six months na. Nagpaultrasound na din kami kahapon ayun ang junakis ko matigas ang ulo akalain mo ba namang suhi siya (Breech Fetal Presentation) pero okay naman daw siya active at maayos ang heartbeat so malamang eh healthy siya. Sayang nga lang hindi pa nalaman kung gurl or boy ba? suhi nga kasi.
Medyo nagalala naman kami kasi baka macaesarian ako. Ang mahal nun! Saka isipin ko na lang na hihiwain ako sa tiyan! Inay ko po! Matagal pa naman ang recovery nun. Masakit at mahal in short. Pero sabi naman ng NANAY ko madadaan pa naman daw yun sa alaga saka iikot pa naman daw yun at aayos ng puwesto. Sana nga makuha sa pihit eh. Pagdasal mo ko ha?
Yung mga nagulat sa kinuwento ko sayo sabihin mo na lang ganun talaga. Saka mag 25 na ako by August eh, mabuti nga at nakahabol pa. Hehe..
Dito na lang!
Ingat!
Hehe.. Etong latest lang yata ang post kong matino. Latest kasi anong petsa pa nung huli akong nagpost. Ayun back on trach, return of the comeback! Adios!