A Sounding Goodbye
Isang old post na nahagilap ko kanina lang. Isi-share ko lang at babalikan kung gaano ako kalungkot nung mga panahong sinulat ko ito.
“The heart hides what you can’t say, but the eyes say what the heart tries to hide. It would hurt less to hear a sounding goodbye than hear a stay and see the eyes lie.”
Isang sapul sa pusong forwarded quote mula sa isang matalik na kaibigan. Natagpuan ko na lamang ang sariling nagiisip kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko. Baka nga nasasanay lamang ako na kasama ka palagi kaya akala ko hindi na ako mabubuhay ng wala ka. Oo, alam kong marami tayong masasayang alaala pero alam ko sa sarili kong hindi sapat yun para lang masabi ko sa sarili ko na “MAHAL KITA” Hindi ikaw ang unang taong nakasama ko. Masasabi kong dalawang beses na akong nagmahal ng sobra ngunit hindi ko masasabing ikaw ang pangatlo. Takot na ako. Hindi na ako makapagbuhos ng pagmamahal mula pa nung isang taon ayon sa paniniwala ko. Kung tutuusin hindi ako nagkulang sayo. Pinilit kong yakapin lahat ng nakapaligid sayo. Inalagaan rin kita at pinahalagahan at alam ko yun dahil lagi mo iyong sinasabi. At pinaramdam ko yun sayo ng buong puso, walang pagkukunwari. Ngunit kung tatanungin ko ang sarili ko ngayon kung minahal nga ba kita hindi ko alam ang isasagot ko.
Pangalawang beses na akong nagpaalam sa iyo. Sa unang pagkakataon pareho tayong umiyak ng umiyak gayong hindi ko alam kung bakit ako lumuluha. Ayaw mong mawala ako subalit papaano tayo pagdating ng panahon at wala pa rin tayong maasahang tibay sa isa’t isa? Patawarin mo ako sa gagawin kong paglisan. Sa pangalawang pagkakataon kong nagpaalam sa iyo, nagawa kong ipaintindi sa iyo ang lahat. At sa tingin ko naunawaan mo na rin. Bata ka pa, malayo pa ang mararating mo. Pilitin mong baguhin ang sarili at buhay mo alam kong darating ang panahon magtatagumpay ka. Huwag mo ng aksayahin ang pagmamahal at buhay mo sa isang taong katulad ko na takot ng sumugal. Marami akong gampanin sa buhay. Ikaw wala. Aaksayahin mo ba ang buhay mo ng paghihintay sa wala? Huwag na. Kaya nga nagpaalam na ako. Mas mabuti ng narinig mo mismo sa akin na aalis ako kaysa naman magising ka na lang isang araw na wala na ako at hindi mo na ako mahagilap.
Naiiyak ako at nasasaktan ngayon. Masakit sa akin na magpaalam at lumisan dahil alam kong masasaktan ka ng husto. Subalit ayoko ng patagalin pa ang pagdurusa mo gayong alam ko sa sarili kong hindi tayo pwede at kailanman ay hindi magiging pwede. Marami pa ring luha ang iluluha ko sa paglisan na ito. Subalit wala akong magagawa. Hindi ko man maamin sa sarili ko, alam kong nasasaktan din ako ng husto. Hindi rin naman kasi biro ang isang taon na magkasama tayo. Sana mapatwad mo ako. Huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo at ipagptuloy mo lang ang nasimulan mo. Matatagpuan mo rin ang babaeng makakasama mo habambuhay. At magpapasaya sayo ng husto. Salamat sa lahat. Mamimiss kita pero kailangan kong pigilin ang sarili ko. IIyakan din kita ng husto pero kailangan kong piliting tumahan at wag na muling lumuha. Pagod na kasi ako.
Sssssshhhh….
Huwag mo na akong pigilan at piliting tanungin kasi kung tatanungin mo ako kung Mahal kita.
HINDI KO PA RIN MASASAGOT.
Toinks!
Yun lang!