shampololong teklung
BATA larawan ng isang kamusmusan. Puno ng laro ang buhay. Mas madalas na masaya, mas madalas puro tawa. Inosente, walang kamalayan sa totoong takbo ng buhay. Hindi mulat sa hirap na dulot ng bawat nagdaraang araw na puno ng laban. Minsan kung iisipin masarap atang maging bata pero maswerte pa rin kasi tumanda ka ng ganito at umabot sa edad na ito na nasasaksihan ang lahat sa pag-ikot ng buhay.
Siya si Roevick, Ubeck sa tawag ko. Dalawang taong gulang, bibo, listo at higit sa lahat makulit. Malakas magpa-cute, matindi ang karisma, isang lambing lang nalalaglag na agad ang puso ko at ang masungit kong ugali. Tuwing umaga pagkagising nya isang matamis na ngiti ang isasalubong nya sa akin kasabay ang “mommy, mowning!” hahalik at yayakap at magsasabing “mommy, timpa dodo!” kaya naman pala malambing may hihilingin, dala dala na kasi nya ang feeding bottle nya na may tatak na “tommy hilfiger” na binili namin nung lumabas kami.
Paborito nya yun, malaki kasi at mataba tiyak na one to sawa sya sa chocolate milk nya at sigurado yun. Alam nya lagi ang gagawin nya sa maghapon. Pagkatapos ng dodo sa umaga hilamos naman at almusal, walang kabusugan, wala ring kapaguran siya yung tipo ng batang mahirap malobat, kahit nga lagnatin pa yun takbo pa rin ng takbo. Intense! Superb ang energy! Halimaw! Mahal na mahal ko si Ubeck, katabi matulog, katabi ko rin kumain at higit sa lahat ako lang ang nakakapagpaamo at nakakapagpasunod sa kanya.
Ang kaso nga lang…
HINDI KO SIYA ANAK.
Siya si Yeoj, anak ng ate ko, na malapit ng mag two years old sa October. Bibo, madaldal, at listo. Kaisa isang anak ng ate. Madaling pagsabihan. Takot mapalo at higit sa lahat may kakulitang taglay. Mahilig siyang mag power trip, kung saan saan sumusuot. Minsan nung birthday ng lola nya nakakita siya ng sisisw nagpabili siya kaagad. Tuwang tuwa siya sa nasabing sisiw at nag-eenjoy naman talaga. Ang kaso maya maya lang pinower trip nya na yung sisiw. Ayun wala pang isang oras tsugelya na ang kawawang nilalang. Trip din nyang magkalat, and mind you bigas sa tindahan ang kinakalat niya. Mentras pagsabihan lalo pang gagawin. Kyut na kyut ako sa batang ito.
Marunong na siya magbilang from one to ten, at kaya niya ng bigkasin ang “singing bee” at “wheel of fortune” (oopppsss.. la bang tf para sa plugging?!..) shempre pabulol. Famous line nya ang “yeng yeng” na ang ibig sabihin ay motor or kotse. Crush niya ata si Kim Chiu na kapag lumalabas na sa commercial eh titig na titig siya sa tv at wala pang kakurap kurap. Punchline naman niya sa akin ang “tita, ambuuu” at talaga namang tuwang tuwa ako.
As usual, HINDI KO SIYA ANAK
Siya naman si Janzel, ang batang hari ng sablay. Apat na taon. Bibo, listo aligaga, at saksakan ng kulit. Lahat ng tao sa bahay nakukulitan sa kanya. Walang kapaguran, walang humpay sa kakulitan. Kung energy ang pag-uusapan katumbas nya ang labinlimang bata. Yikes! Marahil hindi pa nya talaga naiintindihan na lahat na nga ng tao sa bahay naiinis sa kanya. As usual ako lang rin ang nakakaintindi at nakakaamo sa kanya. Kapag ako ang nagsabi hindi pwedeng hindi sya sumunod. Ewan siguro kasi isip bata rin ako kaya naiintindihan ko sya.
Ayun nga lang…
HINDI KO RIN SYA ANAK.
Minsan, napalo sya ng tito nya dahil sa kakulitan, iyak sya ng iyak. Tumakbo siya sa akin at sabay sabi “Tita lenlen pinalo ako ni tito” Sa pagitan ng pagsusumbong nya panay ang tulo ng luha nya . Maya maya pa ng mejo nahimasmasan tinitigan nya ang tito nya sabay sigaw ng “shampololong teklung!” alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?
Ah! Ewan! hindi ko nga rin alam eh!